Finally facing my fear of becoming independent/dorm life

Hello. Pa-share lang ng feelings HAHAHA. Ako rin yung nag-post dati ng “Paano hindi matakot (mag-dorm)” since from NCR ako and elbi student ako.

Hindi ko napigilang maluha nung kinagabihan ng unang araw ko sa dorm last week after ko makipag-video call sa parents ko. Di ko lang pinaalam sa kanila kung gaano kabigat sa pakiramdam yung fears, stress, homesickness na nararamdaman ko that time. Lumaki kasi ako na taong bahay talaga at palagi silang kasama, only child pa man din ako. Sobrang lala sa feeling na alam kong wala ako sa comfort zone ko, kaso wala eh, ito yung choice na pinili ko after weighing all the options I had (Gusto ko talaga sa UP and I love my degree program as well). Umuwi rin ako agad after ng last class ko for the week (plan ko talaga mag-uwian weekly). Habang pauwi, ang dami kong nare-realize. Na una, hindi na ako bata talaga. At pangalawa, valid lahat ng nararamdaman ko, and need kong tatagan ang loob ko para ma-overcome ko lahat ng fears na nararamdaman ko. Di ko alam kung masyado bang mababaw para sa iba itong problema ko, kaso sobrang bigat nya talaga sa pakiramdam these past few days. Now, medyo natatanggap ko na yung emotions na nararamdaman ko, and naco-condition ko na rin yung sarili ko na need ko talaga mag-move forward. Pero ngl, natatakot pa rin ako for next week pag bumalik ulit ako sa dorm.

It is really hard for me to accept the fact that change is the only constant thing in our lives. Adulting is also hard, especially for me na na-stuck sa comfort zone. I’m really hoping na I could overcome my fears and grow as a person through this experience. I may not call elbi my home for now, but I’m also hoping na maramdaman ko rin yon soon.

Yun lang skl hehe baka may same feels din sa iba. Good luck for this sem!