Sinusubok na takot mabautismohan

Hi po. I've been lurking here in this subreddit for a while and I must say, nagkakaroon ako ng knowledge about the secrets behind INC.

As the title says, sinusubok ako at takot mabautismohan (if it ever came to that). I'm 16F with a Catholic Father and an ex-INC mother na natiwalag dahil nagpakasal siya sa father ko. I grew and raised up as a Catholic although hindi ako masyadong religious.

I got to know INC nung first time ako dinala ni mama sa distritong kapilya around 9-10 years old that time. Sabi ni mother, pag member ako ng INC, may chance na magiging choir member ako katulad niya. Since bata pa ako that time I said 'yes' — not until nakakita ako ng video ya YouTube na kesyo scam at pekeng religion naman ang INC. I paid no mind since umalis natin sa isipan ko yung INC ever since naging busy nako sa buhay.

Years passed, lumaki ako ng di masyado palasimba. Sure I believe na may diyos pero hindi sa relihiyon. Ganon ang buhay ko until niyaya ako ni mother sumamba sa isang lokal na malapit samin to celebrate this year's Mother's day. After the WS, paalis na sana kami until narecognize ako ng former EPP teacher ko noong elementary na mang-aawit din. Ayun, nag usap-usap si mother at yung teacher ko hanggang umabot sa point na niyaya ako ni mother at ni teacher na dumalo sa doktrina. I said sure since school break naman at wala naman along gagawin sa bahay.

I started attending the doctrines. Nung first day ko palang ay destinado pala ng lokal na dinaluhan namin ni mother noong mother's day. Naweweirdohan ako sa kanya since he REALLY (emphasis sa really) wants to get to know me and urges my mom to come. Kung hindi naman makakadalo ay inuutusan pako na ikamusta ko siya sa mother ko. After that, natapos ko na yung 25 lessons that i (didn't) memorized by heart.

Nung nalaman ni father na sinusubok na ako, nagalit siya at nag-aaway sila ng mother ko. It went for days to weeks until sinabi ko sa mom ko na busy ako sa school and magpapamiyembro lang ako if free and malaki na ako (first statement was true, second one is a lie). Ayun, nagalit si mother at sinasabing inuusig lang ako ng father ko at kailangan ko tapusin ang WS ko.

Honestly, ayaw ko ng gulo sa bahay pero I can't say no to my mother. Kung ano kagalit ang tatay ko ay yan din kamanipulative ng mama ko. Ika nga ng tatay ko iiwan nya ako pag mabautismohan ako. Natatakot ako. Natatakot ako na matrap ako sa isang kulto na di ko gusto at takot din ako na mawala ang tatay ko.

Any advice? Huhuhu :(