Hindi talaga para sa akin ang call center

Way back in college pangarap ko talagang makapag trabaho sa call center. I was so amazed sa kapitbahay namin na call center. I don't know makita ko siya mula sa work na naka jacket at walabg tulog ang mukha parang na excite ako magtrabaho sa call center. Ang weird ko nu? Hahaha Fast forward, pagka graduate ko, nag apply ako sa Concentrix via phone interview. Ang siste sabi niya what is a call center? I don't have much idea and background kung ano ang call center at ano mga trabaho nila. Ayon hindi pinalad. Last 2022, ready na ako talaga mag apply with matching research sa background sa company na inaaplyan ko. Watching possible BPO questions and answers sa YouTube.

Nag apply ako sa Synchrony. Sabi nila taas daw standard doon at need ng experience kasi nga finance company. Hayun na hired. But I realize BPO is not for weak people. Nandoon iyong sigaw sigawan ka customer. In a minute my customer kang iiyak, and then may tatawag na napakasaya ng client mo. Syempre dahil kailangan may rapport, sabayan mo talaga. Until such time, nag implement ng full WFH. Iyong table ko ay katabi ng kama. Ang ending kapag lunch which is 3:00AM-4:00AM, tutulog ako gigising nang 9:00AM😅. Nakasanayan ko na talaga hanggang na call up na ang attention ko sa manager namin dahil bigla nalang daw akong mawawala every after lunch.

Hindi ko na nakayanan , nag resign na ako. Hindi ko talaga kaya gising sa gabi at tulog sa umaga. Pero wagka umabot din ako ng 1 year and 4 months hahaa.

Sa bayaning puyat natin diyan, pagpupugay namin sa inyo.