My first ever hike, Mt Mariglem

First of all, scam yung 'beginner friendly' HAHAHAHA

Anyway, first ever hike ko ang Mt. Mariglem as a solo joiner last weekend. I was so excited kasi expected ko sobrang ganda ng lugar. It's true. Parang green screen. Matutulala ka na lang talaga.

So this is my experience. Pagbaba van, orientation konti, then lakad papunta starting point. At least 30 minutes ang lakad. OK, easy-peasy. I've been fit my whole life, nasa isip ko kayang kaya ko to. At nagstart na nga yung assault, puro pala assault dito. Big mistake, dala ko lahat ng gamit ko. Eto yung nagpapagod sakin ng maigi, ang bigat ng dala ko. Paakyat napagod na ako maigi. Medyo jelly na ang legs hahaha pero kinaya naman, nakaabot naman sa summit.

After magpahinga sa summit, eto na pababa na. Hanep! Nalula ako sa bababaan! Takot pa naman ako sa heights pero syempre mas takot ako gumulong dun. This time mataas na yung araw, masakit na sa balat. Either magpahinga at para kang bbq sa init or tuloy lang hangang may masilungan na puno. Di ko inexpect na sa pagbaba mauubos yung energy ko. Muntik na ako mapulikat pero buti nagdala ako energy drink, nakatulong talaga. Yung rivers maganda naman din pero sa bundok talaga ako naakit.

PEROOOO di pa tapos. Okay na e, masaya na e. Sabi ko babalik ako dito soon. Then here comes "habal habal"... Jusko akala ko normal ride lang, yun pala final destination. Kala ko katapusan ko na. Nope, di na ako babalik. Or babalik pero di na maghabal hahahaha

First ever hike madami talaga akong natutunan at experience. Alam ko na gagawin ko next time. Di ako binigo ng mga tips dito sa Reddit, Thank you so much! Next month may plan na ako maghike ulit. Now I know yung feeling ng mga adik sa hike.

Segue: Bakit yung iba ang lakas magsoftdrinks kahit nasa hike? Correct me if I'm wrong, mas lalong madehydrate ang katawan kasi yung sugar galing softdrinks, which is too much, kailangan more water para matanggal sa bloodstream yung excess sugar. In short, you lose more water than you gain.

https://preview.redd.it/4duaiocx9w1e1.jpg?width=3612&format=pjpg&auto=webp&s=42c4c83b06c82c392e9019c2f0cee1546be266ce