Am I an ungrateful child?
Before I start talking about it, I'll give you a short background about me: I'm in late 20s with a stable job, only child, also a kpop fan.
So recently, I bought a concert ticket for my favorite group amounting to 12k. Ayun so hindi ako yung tipo ng tao na sinungaling sa parents when it comes to my finances so I told them about it. Yung reaction na nakuha ko? Galit na galit sila.
Sabi nila bakit daw ako gumastos ng ganun kalaki para sa isang concert eh nakita ko naman na sila (yes, napanood ko na sila before, pero I was in gen ad lang so ngayong babalik na sila rito gusto ko this time nasa malapit na ako). They kept on teling me na walang kwenta yang pinagkagastusan ko at masyado raw akong waldas sa pera eh ang hirap mabuhay ngayon. Tbh naiintindihan ko naman yung punto nila, oo mahirap ang buhay ngayon. Pero kasi dito lang ako masaya eh, wala nga akong ibang bisyo. Taong bahay ako, di ako walwal. Ni hindi pa nga ako nakakatikim ng alak. Kung naging sakit man ako ng ulo nila, yun ay dahil matakaw ako sa tulog at hindi marunong sa gawaing-bahay.
They're guilt-tripping me. Inungkat na yung pinampaaral sa'kin na inutang, pagod na raw sila gusto na nila magpahinga. Sila nga raw kahit gutom na hindi na lang daw sila kumakain kasi magastos. Eh never naman ako naging madamot sa kanila. May binibigay ako kada payday, kadalasan ako pa sumasagot sa grocery. Ako rin sumasagot sa internet bill namin (yung electricity at water bill namin sila na sumasagot pero sobrang bihira lumampas ng 1k in total). Minsan pag may biglang dadating na delivery na di naman ako ang umorder, ako ang sumasalo. Kapag inutangan ako minsan kinakalimutan ko na lang. Hindi ako nagreklamo kahit na anlaki na rin ng ginagastos ko for my maintenance meds.
Magpapagawa kami ng bahay. Sabi ko sige, yung 13th month ko ibibigay ko na sa kanila pati yung buong sweldo ko sa December. Willing akong ibigay yun sa kanila, hindi ako mag-iikom ng kamay. Alam ko ang responsibilidad ko sa inyo, sabi ko. Pero sinasabi nila na nanunumbat na ako, nagbibilang na ako. Kung hahayaan nila ako, hindi naman ako manunumbat o magbibilang like they're telling me right now. Ngayon, gusto ko lang naman ulit makita mag-perform live yung mga taong tumulong sa'kin when I was dealing with depression and anxiety. Sabi ko maibabalik ko naman yung ginastos ko sa concert in no time, I can handle my finances well, pero they wouldn't hear any of it. They still think na imbes itulong ko sa kanila o ipunin ko yung pera ginastos ko lang sa walang kwentang bagay. Ngayon, hindi nila ako pinapansin. Ewan ko kung hanggang kailan sila ganyan sa'kin, pero bahala na.
Am I an ungrateful child kasi gusto ko lang naman gastusan yung sarili ko? Gamit yung perang pinaghirapan ko naman?