Love's Highs and Lows
Hi, I just want to share my situation. Ako yung nagsulat dati ng "We just ended our relationshit."
Naalala ko lang yung time bago kami nag-break through messenger.
At that time, I was in Batangas for a photoshoot. Yes, I’m a photographer—not by profession, but as a hobby. Pipicturan ko kasi yung tropa ko dahil matagal na niyang plano ang mag-propose sa long-time girlfriend niya.
Sobrang lakas ng ulan noon, and we were preparing for the event. Orange Rainfall Warning na nga sa news, but we still pushed through. Kinakabit namin yung mga lobo, lights, flowers, and other decorations.
Kinakausap ko pa si ex noon, nag-uupdate ako at pinapakita ko sa kanya yung mga ginagawa namin. Nasa isip ko pa noon, "Kapag ako naman yung nag-propose sa kanya in the future, mas maganda pa dito, and mas planned. I cannot expect perfection, but I can give my best."
Pagdating ng sunset, ito na—nag-propose na yung tropa ko, and his long-time girlfriend said yes. I was genuinely happy for them. Pagbalik namin sa tinutuluyan naming bahay, inayos ko na lahat and nireview ko yung mga photos na tinake ko. Some of them, sinend ko sa ex ko para ipakita sa kanya. I told her I was happy for my friend and was also looking forward to the day na kami rin, someday.
Pero hindi ko maiwasan isipin ngayon ang nangyari sa amin. After experiencing that proposal, just a day or two later, naghiwalay kami. Hindi ko alam kung matagal niya nang iniisip yun or kung matagal na niyang plano.
Yes, it’s only been a year and a half, but I invested so much emotion sa relationship namin.
Ngayon, nagpapakabusy na lang ako sa work—puro management meetings and workloads. It kinda helps kasi napupunta sa ibang bagay yung attention ko. But there are moments na hindi ko maiwasan isipin what we both lost.
I hope you're happy now.