The reason why I left our church

I grew up in a religious family. Like talagang yun na talaga kinalakihan ko. Nung bata pa ako, I used to look up to our fellow members and church leaders kasi I was like "wow they are really passionate and dedicated to the Lord". Praises and worship doon, fellowships, church activities and all. Parang dati pa nga ang tingin ko sa pastor namin and sa family nya is "santo", kasi sakin parang hindi sila makakagawa ng mali. But then as I grew up, parang unti-unting lumawak yung perspective ko sa mga bagay-bagay and hindi na basta lang yung mindset na meron ako, di katulad nung bata ko. Naopen yung vision ko sa maraming bagay and I started to realize na there's something wrong with the people around me.

Totoo nga ata yung sabi nila na kung sino pa yung mga taong claiming na they're super duper ultra "religious", sila pa mostly yung may mga tinatagong baho. I discovered na they all talk behind each other's back. Once na may magawa kang kahit napakaliit na mali lang (o kahit nga ata wala kang ginagawang mali) paguusapan ka nila ng todo todo tapos will pretend all nice and friendly infront of you. Ang malala pa dito, pag nagsabi ka ng sikreto sa kanila, asahan mo kinabukasan nakarating na yan lahat ng members and ang masama pa rito, isusumbong ka nila sa mga elders and leaders. Pati yung mga supposed to be "testimony" mo sa mga prayer meeting pwede pa laban magamit sayo. How crazy is that?

One time sa prayer meeting, isa namin kasamahan nagopen up sya as part of his testimony and he mentioned that he struggled with depression and guess what? They all laughed in his face na parang katatawanan yung sinabi nya. That's another thing with them. They will laugh at ppl struggling with depression and anxiety because they believe that no such thing exists and can exist when you're truly connected with God because he brings joy and hope daw. Even sa mga bagay na nangyayari sa ibang tao, ang palagi nilang sinasabi is "it is all part of God's plan" or kaya "God has a purpose why did it happen". Yun talaga yung naging last straw ko kasi habang nagp-preach yung pastor dun samin, sinabi ba naman na lahat ng 🍇r4pe victim is hinayaan ni God??? Like what the actual f? Ang sabi pa hinayaan daw yun mangyari ni Lord dahil may plano raw sya. So are you saying that God allows 🍇r4pe but despise abortion because again, it is against life? Counted as murder? I can't believe these people.

Simula non, unti-unti hanggang sa tuluyan na akong umalis because hindi ko na talaga kaya and ayaw kong makisama sa mga kagaya nila kasi nakakatakot yung mindset na meron sila😬

(i reposted this here kasi maling com pala yung nagamit ko kanina, ty sa nagcomment nitong group)