Hindi ko na alam gagawin
So unang beses ko lang gagawa ng ganitong rant about sa buhay ko.
Hi! Isa akong 2nd year college, Irregular IT student. Nag first year ako sa isang institution sa Manila, at ngayong second year na ako, nasa STI College naman ako. Gustong gusto kong makatapos bilang isang regular na student kaya noong first sem noong first year ako, literal na ginagawa ko ang lahat para makapasa but not until nagprelim exam kami sa linear algebra and naging 36% lang yung grade ko sa minor na yan noong prelim, after that sobra akong nang lumo, nalungkot, etc. Hindi ko alam gagawin ko that time kundi umiyak lang dahil ginagawa ko yung best ko but hindi ko kayang ipasa. Make long story short, noong naging irreg ako nung second semester namin, nawalan ako ng gana sa acads and napadalas ang bisyo na 'bilyar" na umaabot sa point na babyahe ako sa institution na yon para lang magbilyar.
Ngayong nandito na ako nag-aaral sa STI college, mas malala pala ang mangyayare sa akin. 2nd year irregular student ako at walang kaibigan, kahit ano, o kahit sinong matatanungan ko dahil hindi ako friendly and takot ako makipag salamuha sa mga taong hindi ko kilala or what. Hindi ako matalinong tao pero hindi ko rin kaya mag-isa lumaban at ngayon dahil dyan, madalas ang hindi ko pagpasok sa eskwelahan. Ginagawa kong motivation yung magulang ko and that one girl na sobrang especial sa akin, ngunit hindi ko alam paano gagawin ko para pumasok o pumasa.
To be honest, natatakot na ako sa kung ano kalalabasan ng buhay ko balang araw. Hindi ko na alam yung future ko. Natatakot na ako. Hindi ko alam kung malungkot ako, takot, anxious, nadedepress, or all of the above.
Mas gusto ko nalang maging mag-isa at tahimik na buhay o hindi ko alam if gusto ko pa bang mabuhay.
Life's suck!