Nalaglag nipple tape ko 😭

Post ko lang dito kasi binura sa offmychest HUHUHU

Habang naghihintay akong ma-pack yung orders ko sa Savemore, nakaupo lang ako sa gilid. At pagkabigay sakin ng pinamili ko at pagtayo ko, biglang nalaglag yung nipple tape ko. 😭 Ang masaklap pa, kausap ko yung isang guard at isang bagger kaya kitang-kita nila yung nalaglag. Huhu! Pero nagpatay-malisya na lang ako at diretso akong naglakad palabas na parang walang nangyari. HSHSJSJAJAJAJAHAHAHAHA gus2 ko palamon sa lupa