My first rejection this 2025 .

My New Year's Resolution this 2025 is to stop being too hard on myself. Kasama na dyan is to accept rejections. I have a current job (I am grateful for this) pero I am not happy anymore.

OT without pay, workmates na nakaka pag out on time pero ako extended pa kasi need tapusin ang tasks (dapat tulong tulong tapusin ang tasks to prevent OT), manager na walang pake, nagagalit kasi di makakasama sa Team Building, and most importantly work ko ngayon is hindi aligned sa career path na gusto ko that’s why nag aapply apply nako without leaving my current job since breadwinner ako and hindi pedeng ma zero. One year nakong sumusubok pero one year nadin akong puro rejections. Nag po proceed naman sa final interviews pero usually ang result ay may napili na daw silang mas fit sa position.

Nag apply ako last week and it went well naman I believe. Kala ko eto na since confident naman ako na I did well sa final interview. Then after a week nag follow up ako sa result and again ang sagot sakin is may napili na sila na mas fit sa position. My first rejection this 2025.

Why so unfair hayss. Hindi naman ako masamang employee. Wala nga ako absences or lates sa previous jobs ko kasi takot ako ma disappoint others. Pag may papagawa sakin yes agad ako. Nag peperform naman ako and proof dyan ay may awards ako. Lagi ko pinag dadasal din to. Hindi din ako masamang tao. Ang reason ko din sa pag apply is to have a better future para parents ko and I even said na pag natanggap ako and lumaki sahod ko mag gigive back ako by donating sa elderly shelters. Pero hindi ko magawa as of now kasi sakto lang sinasahod ko.

Pero on top of these issues of mine, naniniwala padin ako na may reason ang lahat and mas may better plan si Lord. Yung nga lang tao lang din ako. Nag mumukmok nasasaktan nalulungkot and umiiyak.

Ayun lang. Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob. Thank you all for reading this hehehe.