bdo sm molino

nakaka-frustrate sobra customer service ng bangkong to. meron akong transacition issue nung monday na involved ang school tuition ko, in-address ko na nung tuesday pa. sabi sakin i-uupdate ako by wednesday pero wala akong natanggap na kahit anong tawag from them despite giving them my contact details. tumawag ako kahapon to follow-up, ang tatagal bago magsisagot. binababaan pa ako bigla, napakabastos! sumagot naman later on, sinungitan ko na kasi pati tono ng pakikipag-usap nila sakin maldita e. inasikaso naman ako right after, sabi sakin, tatawag daw sakin today yung officer to update me. tinanong ko how long do i have to wait, di raw sila sure.

today, i tried to call them kasi pupuntan ko rin school ko to inform them about what happened kasi sa monday na pasukan ko, chineck ko lahat ng numbers ng landline nila online, tinawagan ko isa-isa. ive been calling them since 10:30am, walang sumasagot ng calls. lahat na ng number na nasa website ng bdo tinawagan ko, tapos yung isa sumagot pero wrong number daw??? nu kaya un??? nanginginig na ako sa galit kasi ang laki ng pera na pinag-uusapan namin. wala ba talagang kwenta mga landline nila?