HELP! Post Kapon advice

hello po, penge naman po advice pinasuot ko kasi si mama snow ng recovery suit pero pinag kakagat nya kaya nilagyan ko rin ng e-collar pero ayun tuluyan parin na nasira at puro butas na ang suit nya. i checked her bago matulog tapos nakahubad na pareho yung recovery suit at e-collar tapos nililinis nya yung sa part ng tahi!! huhu natatakot ako baka mabutas nya yung tahi, 2 days palang after nya ma kapon. baka po may tips kayo mukhang hindi po kasi comfortable si mama snow...