gusto ko na mag resign hahahaha

pa rant haha shemay heto ako, awake at 2am because my manager dm'ed me naman na may gagawin ako. 3 weeks pa lang ako dito sa work nato tapos gusto ko nang mag resign.

i'm a graphic designer at a company tapos for 1 month trial daw ako (babayaran naman kami sa mga nagagawa namin at the end of the month so okay lang parang yung trial is to check if pwede ka ba bigyan ng full time job). magdrawing lang kami ng designs tapos umaabot ng 40 designs yung pinagawa samin tapos yung payment is $5 per folder created (40 designs = 1 folder).

yung company ceo hindi filipino pero yung manager namin is filipino. sobrang nabuburnt out ako kasi while nagwowork ako para sa designs (we have to make 10 folders A DAY), mag private message yan siya sakin tapos "marsh, helppp," tapos may ipapagawa sakin. di ko natanong kung may bayad ba yun sakin kasi yung nasa contract is di yun covered pero sa lahat ng mga workers, sa akin siya pupunta kahit na nadedelay na ako sa projects ko.

nung sinabihan ko siya na hindi ako makatulong, sabi niya "huhu beh mapatay ako ng ceo kapag di eto magawa," guilttrip si ante so go nalang ako ng go. tapos may one time, nagsabi ako na offline ako ng 3 hours since nagbubus pa ako to another city, biglang nag chat sakin in less than 2 hours tapos nagpatulong. sinabihan ko nga na nasa bus pa ako at mahihilo ako pero panay guilt trip halaka anteh.

it doesn't help na mga 1am or 2am magmemessage yan sakin ng mga gagawin tapos yung deadline same day so aba bolaga si ante pag gising 8am yung deadline is 12pm luh talaga.

ganito ba talaga freelance work? hahahaha gusto ko na talaga mag resign, first freelance work ko pa naman ito tapos medj iba to siya kasi hindi per hour payment namin kasi per folder so we end up pulling all nighters and i don't wanna risk my health for this lalo na 2nd year college pa ako.

edited to add: first work ko talaga to in general, nagwowork ako pandagdag baon at reqs sa college. namumulat na talaga mata ko di worth it stress ko sa acads tapos may dumadagdag pa hahahaha