Sinaniban bigla.

Hi guys, gusto ko lang i-share itong creepy/funny experience na nangyari sakin last week. Nakilala ko tong girl through a yellow dating app. She’s funny and cute, same humor kami kaya mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. May usapan pa nga kami na kapag napunta ako ng Manila, sabihan ko siya para magkita kami. BTW, taga-Bulacan ako.

So, last week, kailangan kong pumunta ng Manila dahil may meeting kami sa Head Office. I informed her ahead of time para makapag-adjust siya ng schedule niya. My meeting ended earlier than expected, so we decided to meet somewhere in Cubao. We ate and then nag-decide kami na mag-check-in nearby. We took a shower, and everything went well until nung nasa ibabaw ko na siya. Biglang nanlisik yung mata niya, yung tipong nawala yung itim. Akala ko at first, dahil nasasarapan lang siya, until bigla niya akong sinakal nang mahigpit at sinabi niyang, “Papatayin kita.” Nagbago pa yung boses niya, parang sinaniban.

Sa sobrang gulat ko, tinulak ko siya at nahulog siya sa kama. Umaray siya, mukhang nabagok ata. Pagbangon niya, mangiyak-ngiyak siya at sabing nagbibiro lang naman daw siya, kunwari sinaniban.

After that, nawalan na talaga ako ng gana kaya sabi ko uuwi na ako. If you were in my position, anong gagawin niyo? I felt guilty, pero natakot talaga ako.