naddrain na ako sa boyfriend ko
Problem/Goal: Paulit ulit na walang update, paramdam ‘yung boyfriend ko. Hindi ko alam paano ko sasabihin or ioopen up sakanya napapagod na ako
Context: So ayon na nga, i have a boyfriend mag 1 year na kami. Medyo LDR kasi kami pero around NCR pa naman din. He’s from Taguig and i’m from Caloocan. Bihira lang kami magkita umaabot ng buwan pero tinitiis ko iyon kasi mahal ko talaga siya and i know super busy siya sa work. Btw working na siya and ako is college student pa ‘rin. Pinipilit ko naman siyang intindihin, sobrang inuunawa ko siya kahit na ganito na nangyayari pero nakakapagod din pala no? Ewan ko pero starting nung January, lagi nalang ako na dedelivered ng ilang oras. Katulad na lamang ngayon Sent 15h ago ang chat ko. Parang grabe naman kasi iyon na almost kalahating araw walang update update? Ang usapan namin sa araw araw laging Good Morning nalang ganon? Nakakapagod din. Para akong tanga nag aantay, nag iisip kung ano na nangyayari sakanya. Hindi ko naman hinihiling na magchat kami almost every hour pero sana man lang mag update man lang kahit sa tanghali at hapon. Kahit sa gabi wala. Magchachat nalang ng nakauwi na siya na parang walang nangyari. Tinatry kong intindihin siya, as someone na ang love language is quality time at physical touch sinakripisyo at tiniis ko iyon kasi mahal ko naman talaga siya. Pero ang sakit sakit na kasi, before nag uupdate pa siya if nasa work na siya with matching send pic. Ngayon wala na nganga na. Hindi ko na ‘rin alam minsan kung nakauwi na siya or what. Hay ewan ko ba. Ano sa tingin niyo? Nawawalan na ‘rin kasi ako ng gana sakanya paunti unti 😓😓