My ex-boyfriend is copying me.

Problem/Goal: Lagi pong ginagaya ng ex-boyfriend ko mga posts ko sa social media. 😭

Context: For a little background story, I'm 22F and my ex-boyfriend po is 23M. Our relationship lasted for more than 2 years, and no'ng 2022 pa po nag-end relationship namin (so, almost three years na rin since nag-break kami). Add ko na lang din po na ako ang nakipag-break.

For the context naman ng concern ko: mayroon po kaming mutual friend and hanggang ngayon is connected pa rin 'etong mutual friend na 'to sa ex-bf ko through socmed. As for me, blocked na siya sa lahat-lahat ng accounts ko.

One time, nagkukuwento 'etong mutual friend namin na napapansin niya na every time na may i-po-post ako, laging ginagaya ng ex ko. For example, kung saan ako pumunta, pumupunta rin siya roon, then pinagmamayabang niya. 'Yung mga poses ko sa pic, ginagaya rin daw. And even every time na mag-po-post ako ng mirror selfies ko, always din siya mag-po-post ng sa kaniya. Long story short, nakaabang siya sa mga ginagawa ko, then gagayahin niya rin. Gagawin niya rin. God knows kung ilang dummy accounts na ginawa niya just to stalk me. And I really like to believe na coincidences lang lahat; but no, hindi kami nagsasabay mag-post. Lagi ako'ng nauuna, then he copies it.

My initial reaction was "Why?", kasi hindi ko gets if ba't ganu'n siya. "Inis" and frustration would be an understatement to describe what I feel.

Now, my question is, ano'ng tumatakbo sa isip niya ba't siya ganu'n? And valid ba 'tong nararamdaman ko na I feel so unsafe for some reason? Hindi po sa nag-fee-feeling ako, ahh; pero super sus talaga ng actions niya, e.

Previous Attempt/s: None. Gusto ko lang malinawan talaga if bakit ganu'n siya. Also, I already made my accounts private na ever since nakuwento 'to sa'kin ng mutual friend namin.