Sinabi ng nililigawan na magstop na
Problem/Goal: Hi sinabi ng kausap ko na girl na magstop na even if di ko pa siya nililigawan M (26) F (23)
Context: Naguusap kami for a month na. College friend ko siya pero di pa kami ganun ka close that time. November we started talking na hanggang sa maglandian stage na. I know na madami siyang obligations in life and hindi niya talaga kaya i manage lahat. Ako kasi isa sa love language ko is quality time gusto ko siya lagi kausap. Overthinker din kasi ako kaya pag may times na di siya nagrereply sakin ano ano na nalisip ko. May time din na ilang araw siya di nagrereply then pinuntahan ko siya sakanila to talk. Bililan ko siya ng kpop albums na gusto niya and yung favorite niyang flowers. Tinanong ko siya if problem or may nagawa ba ako na ayaw niya. Sabi niya wala naman and tinanong ko din if okay kami. Sabi niya okay naman tayo madami lang talaga ako ginagawa sabi niya.
Ngayon naiintindihan ko na lahat kung bakit ganun yung nangyare and alam ko na pano i handle. I want her and alam ko na l can be the right man for her. Gusto ko sana siya tanungin if pwede manligaw ulit. Shall I ask her ba and hindi ko alam yung right time to ask. I need your advice guys. Thank you!