Nag try ako maghigpit ng budget simula December, ang laki pa ng natira.

Una sa lahat iwas sa mga nangungutang, I learned to say NO kahit pa yung sinasabi na "bigyan mo ng amount na kaya mo mawala sayo" pero wala matigas na ako sa mga nangungutang lalo alam ko walang means magbayad. Hindi naman nila ako bibigyan kapag nangailangan ako, yung budget ko lalo 2 lang kami ng tatay ko tinatinabi ko para sa groceries at bills kasama na spotify and netflix. Ang allowance sa work from monday to friday naka fix rin na 150 daily, naglalakad ako kapag nauwi para exercise na rin lalo 1 km lang naman layo ng work ko sa bahay namin.

Same rin sa tatay ko natutu siya mag budget at sinasabi ko na huwag basta nagpapautang lalo alam na medyo malaki pensyon niya kasi dati siyang sundalo siya ang takbuhan ng mga utangera sa amin na hindi naman nagbabayad.

Siyempre naranasan namin na walang wala na kami. yung 100 kailangan pagkasyahin for 2 days pero hindi kinaya tapos nag compute ako ng mga amount na inutang sa amin na hindi nababayaran, umabot ng 3000 mahigit. Tsaka ko naisip na hindi naman nabibigay sa amin pabalik yung hinihiram nila kaya no kung no, wala naman kami utang n loob sa kanila at para hindi masanay na sa amin lagi nalapit para kasing may karatula sa harap ng bahay namin na may nakasulat ng "nagpapautang" nang di namin nakikita.

Malapit na ulit sweldo, nagbilang ako ng tira namin na combined money namin ng tatay ko, sa kanya ay 17,000 mahigit sa akin naman nasa 6k + coins samantala dati hindi kami nakakapagtabi ng ganun. Partida dumaan ang pasko at bagong taon, yung pamaskong handog lang ang hinanda namin kasi mahigpit diet namin ng tatay ko kaya walang karne ng baboy at baka, chicken at isda lang. Laking tulong pa may mga tanim siya na gulay sa likod pero walang kamatis hehe.

Yung luho ko na kung dati checkout agad, ngayon tengga muna ng 2-4 weeks. If i still like it sige bibilhin pero pag hindi na, matic delete sa cart.

Yung tira deretso sa bank accounts namin kapag sweldo na namin for emergency purposes pero sana 'wag magamit sa ganon. Share ko lang kasi sarap pala sa pakiramdam na hindi ka na people pleaser, konting bawas sa pagiging gastador at nakakaipon.