Helppp I need some advice for my parents
Can you give me some advice po?😓
May paupahan po kasi yung parents ko. Senior na po sila, yung umuupa po duon tindahan ng mga tiles. 36k per month dahil tatlong pwesto po kinuha pero since hindi maayos magbayad pinaupa ng parents ko yung isang pwesto dibale dalawa na lang sa kanya kaya naging 24k a month na lang.
Ngayon po nasa 200k na utang nung may ari ng tiles. Eversince po talaga hindi siya maayos magbayad. Nung pandemic pinagbigyan po sila since mabait ang parents ko. Actually wala akong masyadong alam dito dahil hindi naman kami kinakausap ng parents ko about it. Nalalaman ko lang 'to kasi nagkukwento yung mama ko sa asawa ko dahil magkasama sila sa business namin.
So ayun po nasa 200k na yung utang, 7 yrs contract. Pinabarangay na ng parents ko pero hindi sumisipot. Tapos ang laging panakot sa parents ko is yung kontrata nga.
Imbis na wala na sana poproblemahin yung parents ko sa monthly gastos nila sa bahay nila dahil may paupa naman e naging stress factor pa tuloy yung paupa. Hindi rin kasi naging maayos yung kontrata nila. Di ko alam. Hindi naman din nanghihingi ng advice samin yung parents ko, hindi rin namin napaguusapan.
Actually parang kinakaya kaya na nga lang po sila eh. Pagbibigyan ng parents ko tapos mangangako na magbabayad ng maayos, hindi rin nman natutupad. Iiyak iyak pa sa parents ko, nakikiusap na ganito ganyan. Tapos wala rin ganon pa rin po hindi pa rin nagbabayad ng maayos. Lalo na sa tatay ko, gustong gusto nung babae magpaawa sa tatay ko dahil ang bilis niya makumbinsi. Parang niloloko na nga lang sila eh.
Ano po kayang pwede gawin or iadvice sa parents ko? Baka makumbinsi ko sila. 😓