Same day edit sa wedding day
Ako lang ba o parang ayoko ng SDE sa wedding day ko?
Hear me out. Parang ang hirap ipush dahil i'm an introvert same din si fiancé. Pero ang dami ko nakikita na puro SDE tas na cinematic/dramatic shots. Para sakin lang di ko mapupull off? Tapos sure naninigas na yung neck nung bride and groom kakadirect nila tingin ka dito or doon tapos yuko, tingala and smile. Same sa entourage na parang nanginginig na yung smiles nila kasi need maganda angle sa shoot. Nakakapressure lang pag iisipin ko.
Gusto ko sana maging docu style ba. Tipong yung videographers icacapture lang yung moment. Like it's something special na pag binalikan ko, makikita ko na ang genuine lang na naglalakad ako sa aisle, yung guests super natotouch lang habang kinekwento namin yung relationship namin, yung ups and downs, yung mismong vows. Tapos cheers lang and dancing kasi happy happy nga. Or! Pwede din na interview style sa close friends and families while me and my fiancé are preparing para lang may funny moments and alam ko kung ano talagang iniisip nila ang nafifeel na sa special day namin. Ang sarap balikan nung ganung moments pagkatapos eh. Gets nyo ba ko?
Ewan ko guys. Pero kung may makakarecommend ng ganung style ng pagcacapture or documentary style ng wedding namin please suggest or let me know so I can have that on my special day.
I just want them to capture every single moment and play it after my wedding. No pressure to finish it the same day. The only thing i want to show my guests on my wedding are some slide shows of happy photos, candid ones kasama sila. Ang gusto ko lang na perfectly shot ay yung mga wedding pics na isesave ko sa photo album namin. ❤️❤️❤️
Thank you!
Sorry if i offended a few. But genuinely asking lang po ako kung may mga ganun bang offer. :(