Ghosted by programmer

Hello guys! Can I ask for advice?

I talked with this programmer Named MJ and he promised to program my personal project for 40k for the entire VN. Plus 120k if fully funded. Nag-usap kami sabi niya installment pwede. So I paid 30k, divided into three months.

So meron tinatawag na demo, a short version containing the first few parts of the VN. Hindi ito yung full. Demo is Prologue and Chapter 1 ONLY.

October - paid first installment December - paid second installment January - paid third installment

Nagtaka ako bakit wala pa masyado progress ang project eh nkailang buwan na. Nung una maayos siya makipagusap eh. I keep on asking him about the progress. Sabi naman ni Matthew na ginagawa pa daw.

Tapos heto, sabi niya prepare ko na daw ang FINAL na payment.

I was confused. Panong final eh wala pa nga siya tapos sa demo, much less the WHOLE project.

Sabi ko sa kanya, I won't be paying 10k unless he completes the demo. Demo pa lang ito pero parang umaabot na ng siyam siyam.

Then he GHOSTED for the whole month of February. Kailangan ko pa i-MESSAGE ANG NANAY niya para magmessage si Matthew. I questioned even giving 30k to this guy.

Nagreply siya for a bit. After that, no progress again. For the month of March, two weeks ulit nag-ghost si Matthew. Kinulit ko ulit ang NANAY para lang mag message si Matthew. It got to a point where I realized this is going nowhere.

This is messed up. I wanted to get a new programmer na. Bakit ko hinahabol ang taong ito para lang gawin ang work niya? Kumuha na ako ng isa pa.

I contracted a new programmer, Moteeb ang name niya. He will only make the DEMO. Demo lang ang gagawin ni Moteeb and I will pay him 10k.

Tapos si Matthew nag message April 6 may apology ulit ganyan. Pinagsabihan ko. nakailang chances na kasi siya. Malapit niya na daw matapos ang DEMO. He is expecting magbayad ako ng 10k sa 15.

Sabi ko sa kanya si ko pa kaya magbayad ng ganun sa 15. Kasi si Moteeb ang priority kasi ginhost niya (Matthew) kami and need ko lng matapos DEMO kasi ghost siya ng ghost. Most likely mga 31 or 22 ako magsend ng 10k para siya na ang magprogram ng buong VN pagtapos.

Ayun nag-ghost ulit. until now di pa ako kinakausap. Minessage ko yung nanay bat hindi nakikipag usap. Pangatlo na ito at naiinis na ako. Hindi man lang kami kausapin ng maayos.

Sabi ko kapag hindi siya nagreply, sabi ba naman ng nanay: NO PAY NO WORK. Nasa tama daw yung anak niya.

Nakakagigil. di ko alam kung ano gagawin ko dito. Ang sarap humingi na ng refund. sobrang stressful katrabaho.

ano sa tingin niyo pwede ko gawin? Sobra nasstress nako.