Feeling entitled ang mga pulubi rito
Seriously, I've heard a lot of sentiments na naiinis sa mga pulubi kasi kapag nanghingi, gusto pera ibigay sa kanila o kaya naman, sasabihan kang madamot, may iba pa na, "Kayo nga yung may pera, dapat nagbibigay kayo." as if responsibilidad mo sila.
I just can't take it kasi yung inis ko, hanggang ngayon di nababawasan. Medyo masama lagay ko today, so kahit na halos wala naman akong nagawa, I decided to claim my free ice cream sa kinainan kong fast food nung nakaraan.
While walking home, ine-enjoy ko yung ice cream since masarap talaga, mas masarap pa kasi libre. Tapos may batang sumalubong sakin na tinuro yung ice cream ko at saka nilahad yung kamay nya as if kanya yung ice cream???
Ni hindi man lang nagsalita nang, "Ate penge" or "Ate akin na lang yan" in a humble way. Pota, as in yung paglahad ng kamay eh kala mo sya nagpabili ng ice cream eh. Kaya ayon, ang ginawa ko, sumandok ako sa ice cream ko then kinain ko sa harap nya saka ako lumihis ng daan. Not giving you my ice cream. Bwct ka.