Anak Lang Pag May Kailangan?
Since 2017 pa di na kami okay ng nanay ko. Nagsimula lahat nung ayaw na niya akong pag-aralin—gusto niya mag-cashier na lang ako sa mall. Eh gusto ko talagang mag-aral, kaya sobrang nagalit siya. Ang dami niyang sinabi na hindi ko malilimutan. Kesyo sana daw pinatay na lang niya ako, never daw akong makakatapos, at sayang lang daw pera sa akin. Pinagkakalat pa niya sa mga kamag-anak namin na masama ugali ko.
Btw, laking lola ako. Grade 1 pa lang ako, sa lola ko na ako lumaki. Kaya never talaga kami naging close ng nanay ko—hindi namin kilala ang isa’t isa.
Fast forward to ngayon, biglang may chat ang tita ko (kapatid ni mama). Need daw nila ng malaking halaga, may problema daw isa nilang kapatid. Pero ang pinaka-nakaka-highblood? Hindi man lang mismong nanay ko ang kumausap sa akin—inutusan pa niya ang kapatid niya para manghingi ng 10K sa akin!
At first, deadma ko lang. Pero nung nalaman kong kinukulit nila si lola para kausapin ako, parang lalo akong nainis. Si lola nga ilang araw silang hindi sinasagot. Tapos biglang may chat na: “Ano, makakatulong ba yan o hindi?”
Dun na talaga ako nag-init. Chinachat lang ako pag may kailangan?! Sinabi ko sa tita ko lahat ng hinanakit ko—na matagal na akong walang nanay! Ang kapal ng mukha nila, pag pera kilala nila ako, pero ni hindi nga sila marunong mangamusta.
Akala ko ba wala na akong ina? Eh bakit biglang may anak ulit pag may kailangan?!