Tangina first time ko makotong ng enforcer.
Around 9pm galing ako Cavite, pauwi na sana sa Quezon city kaso bigla akong pinara ng enforcer sa inner lane dahil may violation daw ako, DTS (Disregarding Traffic Sign). Eh nasa Las Piñas ako nun.
Lumiko ako diyan pakaliwa [1st pic] dahil nakatingin ako kay google maps, may sinundan lang akong sasakyan. May motor din sa harapan ko na pilit nilang pinara pero nakalusot siya. Mukahng alam na niyang kotong pala kaya hinayaan nalang din nila. Tangina talaga.
Sa tapat ng rephil station [2nd pic] ako hinulinng maraming nakatambay na enforcer.
1k daw ang penalty sa DTS. Tapos sa LasPi ko raw tutubusin ung lisensya ko. Edi imbis na mahassle, nagpakotong nalang ako.
Ang sakit lang sa pakiramdam na alam ko wala naman akong ginawang mali pero wala kang magawa para mapatunayan yun. Tangina ng mga enforcer na abusado. Putangina. Akala ko never ko mararanasan ung ganun kasi lagi naman ako nasunod sa batas trapiko, hihinto pa nga ako minsan para magtanong.
Penge link ng gopro cam niyo mga sir. Budget lang. Para iwas kotong na. Or ano dapat gawin sabihin or i ask muma bago magpakotong. Salamat sa nagbasa!