Wala lang, dinamdam ko lang Hahaha

Kanina kasi breaktime namin sa office tapos andun yung pinsan na bf ko na Sales Manager samin. Tinawag niya ako kasi nasa kabilang tindahan ako tapos sabi niya nagbigay daw pambayad yung bf ko sa bibilhin ko at bibilhin niya. Wala naman kaming problema e, hindi kami ganon kaclose pero nagbibiruan kami minsan. Nung lalapit na ako para kunin yung pera, e di tuwang tuwa ako yung medyo may tili at pabebe effect pa kinikilig acting kuno ganon. Tapos nung lumapit ako sabi niya "Ganda ka? tapos sumagot ako ng "True" kasi akala ko nagbibiruan kami tapos nakuha ko na yung pera bumalik sa kabilang tindahan narinig ko parin siya sabi niya "Kairita. Akala mo kung sinong maganda. Di naman kagandahan" basta ganyan yung narinig ko. Andun yung iba naming kawork, narinig nila tapos ako kunwari di ko narinig patay malisya nalang ako. Pero nawala ako sa mood non. Iniyak ko pa sa cr pagbalik. Hahahahah ang petty lang pero gusto ko lang ilabas kasi di ko naman to ikwento sa bf ko hahahahahahaha naisip ko lang di na ako makikipagbiruan sa kanya. buti nalang onti lang nakarinig ng mga sinabi niya kasi nahihiya na ako, nawala agad yung confidence ko hahahahaha