Pinatulog ako ng asawa ko sa sahig

[Edit: Wow. Didnt expect this post to blow up. Gusto ka lang sana hingiin to respect our privacy. I posted this as an offmychest post. Sana wag na po lumabas sa ibang social media platform. Salamat at mabuhay, reddit community!]

Galing akong [30F] work nun. And currently cleaning up for bed. Yung asawa ko [38M] nakahiga na sa kama nun at nag-iiscroll na lang sa cellphone. Yung anak namin na 5 y/o kasama pa namin sa kwarto at recently lang din namin inistart na itrain na humiwalay ng higaan. Bale ang set up, may queen bed na dating kasama namin magco-sleep yung bata then nagdagdag kami ng floor mattress para dun sa anak namin.

Nung mga time na yun, nagdadaldal yung anak namin. Gumagawa gawa ng kanta about kung gaano niya kami ka-mahal na nanay at tatay niya. Sobrang lambing kasi nung batang yun. Paglabas ko ng CR nun, nasabihan ko yung asawa ko na "Tatay pansinin mo naman."

So eto, kinausap naman nga niya yung bata. Pero ang sinabi niya: "Nak, you want nanay to sleep with you on the floor?" - may something sa pagkakasabi niya na na-offend ako. Hindi ko alam kung dala na rin ba na magkakadalaw na rin ako kaya instead na palampasin ko eh pinatulan ko. Nagtalo kami tungkol sa sinabi niyang yun. Inabot niya yung unan at kumot ko para doon ako matulog. Edi sige! Sa isip isip ko eh baka naman maya maya ay suyuin na rin ako nito.

Paikot ikot ako sa higaan. Hindi talaga ako kumportable. Nung mga oras na yun ay naririnig ko na yung mister ko na lumalalim na ang tulog. Humihilik na siya. Kasabay ng mga hilik niya at pag-ikot ko sa higaan ay unti unting nalalason ng pagka-bwisit yung utak ko. Hindi ko ito deserve!

Binuksan ko ang ilaw at pinaghahampas ko siya ng unan, kumot. Basta. Kung ano ang mahablot ko, hinahagis ko sakanya.

"Ang kapal ng mukha mo. Sa kabila ng lahat ng hirap ko para sa pamilyang ito, ganito ang trato mo sa akin? Alam mong nahihirapan ako, ikaw puro pasarap! Ang lakas lakas pa ng hilik mo! Bumangon ka diyan at ikaw ang matulog dito sa sahig!"

Madami pa akong sinabi. Ang maganda na lang eh hindi niya sinabayan nung oras na iyon kung hindi baka lalo mas marami pa akong nasabing pangit.

For context: emotionally and mentally exhausted na ako sa work ko and aware yung husband ko. Been trying to leave the company pero di ako makahanap ng employer na willing sumugal sa HR Manager na edad ko that can match my current rate. I feel burdened kasi ilang taon ko na rin pini-peste si husband to look for other means para ma-upgrade yung finances namin (new job, promotion or business) - mababa kasi talaga yung take home ni husband. And hindi ako maka-step back hangga't hindi nareresolve yun.

Parang pumutok na yata ako? Ilang taon na kasing unresolved issue namin yan ni husband. Pero ngayon kasi yung masasabi kong lowest point ko in the sense of exhaustion. Burned out na ako. Pero hindi ako makabitaw kasi hindi kami kaya isustain ng salary lang niya.

Ngayon ginagaslight niya ako na sobrang baba ng tingin ko sa kanya.

Hindi mababa ang tingin ko sakanya. Sadyang hindi sapat yung binibigay niya..

Nung inopen niya yung pakikipaghiwalay, nung una nasaktan ako. Pero honestly, ngayon. Kinu-consider ko na.

Papunta ako ng elyu bukas. Mga 3-5 days ako dun. Gusto ko huminga at mag isip isip.