Gusto ko na makipag hiwalay
I am an Engineer, 25(F), hybrid ang work setup ko. 4x a month lang ako nasa office to do paper works and stuff. My husband works as a Quality Control -onsite. My salary is way higher than his, I earned 80-90k a month while sya 20-25k. We met nung freshmen college kami. Now, we’re married at meron na din kaming anak.
Lahat gastos ko, from bills, house, groceries, eat out, needs ng anak namin like diaper, gatas, vitamins, check-ups etc. AKO LAHAT. Parang wala akong asawa, para syang display sa totoo lang.
Sa household naman ako laba, luto, at linis. Nag aaway kami kasi gusto kong magpahinga pero hindi ko magawa kasi puro sya hilata, at pag di ako kumilos dudumi ang bahay namin. Ang sabi ba naman sakin, wag ako ma stress hayaan ko lang at magpahinga daw. E kung kumikilos sya at tumutulong edi walang dahilan para mastress, makakapag pahinga pa ako ng maayos knowing na malinis at mabango ang bahay. Hindi kasi nya magets na yun nalang yung peace ko na makitang malinis ang bahay ko. Sobrang tagal na naming problema to, para nya kong nanay. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses kami nag usap at nangako syang tutulong sa bahay. Pero hanggang ngayon wala pa din, naghihintay pa din ako ng pagbabago. Mabuti sana kung sagot nya lahat ng gastusin dito medyo tanggap ko pa. Kaso hindi e, ako pa din.
Gusto ko na makipag hiwalay sa totoo lang, wala naman akong mapag sabihan kasi ang petty ng reason ko. At isa pang problema, pano yung anak namin. Kasi pano ko ieexplain pag laki nya.
Ewan ko diko na alam.