Kinilabutan ako sa moral compass ng tatay ko
My dad is a Christian pastor, na open nya bigla yung nangyare sa LA fire. Naikwento nya na few days prior sa disaster, during the Golden Globe Awards may host daw na nag mock kay God which justifies kung bakit daw nagkaroon ng ganong disaster.
Napatanong na lang ako bigla sa kanya na "what if sa lugar namin nangyare yung event na yun, edi wala ring kwenta pagpapakabait nyo". Ayun na lang naiisip ko na pinakamaayos na sagot kase napa-wtf na lang ako sa utak ko.
Eto isa sa dahilan kaya ayaw ko ka-kwentuhan magulang ko kase sobrang taliwas kami ng paniniwala sa buhay, at palagi rin nila finoforce sa amin yung paniniwala nila.