Hihiwalayan ng fiancé pag nag positive ang result.

Maulang umaga sa inyo. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob at disappointment. May live in partner ako for 3 years, last December 14 namanhikan sya samin. Unfortunately, nung December 20 na confine ako at na operahan due to Sepsis sa right colon ko. Hindi ako iniwan ng fiancè ko from the start. Super maalaga sya from palit ng diaper, linis ng colostomy bag at inject ng insulin. Malaki pasasalamat ko sa kanya at sobrang swerte ko kasi mabait ang mapapangasawa ko.

May follow up check up ako sa doctor yesterday and sinabi nya na gusto nya akong magtake ng HIV test para lang daw ma rule out yung cause ng sepsis ko. Nag take naman ako agad nun at sa Friday pa lalabas ang result. Hindi ko inaasahan ang magiging reaction ng partner ko. Sinabi nya sakin na hihiwalayan nya ako pag nag positive kasi mahirap daw i deal ang may ganon na sakit. Hindi na lang ako nagsalita or nag react sa sinabi nya. Naiyak na lang ako kagabi. May hangganan pala talaga siguro ang pagmamahal.

Habang nagttype ako dito, ang daming tumatakbo sa isip ko. Wag na ituloy ang wedding kahit mag negative. Pano if sa future magkasakit ako ng malala, iiwan din kaya nya ako? Alam ko nakakapagod mag alaga ng may sakit. Hindi naman na kami bata nasa 30 (m) na sya at 34 (f) naman ako.

Yun lang po.