I saw my ex after 5 years (full story)
Di ko alam why dinelete ung first part last might so reposting nalang ng buo para walang cliffhanger haha
Nasa same circle of friends ako, 32F, at yung ex ko, 31M. We were in a relationship for almost 9 years; we broke up 2019 due to indifference. Charot I got dumped.
2017, nag-Manila ako, sya naman same workplace (until now) sa province namin. Okay naman nung una, lagi kami magka video call before and after work tapos umuuwe ako every weekend. Once a week nalang kami magkita (from almost everyday, saddd)
2019 nakipagbreak sya sakin (yes, masakit, sya nag initiate. Hindi to pwede!! Haha). Reason nya that time, parang anlayo ko na daw and he meant ung feelings not the literal na distance. Di daw sya sanay ng ganun kesyo eme try muna na kami on our own basta ganun.
Alam ko iniisip nyo, may iba. Haha pwedeng oo pwedeng hindi. Nagkaron sya ng girlfriend after 7 months (o that time lang sya nag hard launch para di halata haha) pero mabilis din sila nag break. Parang nakakatatlo na syang gf since we broke up (taray bilang ko). Hahaha
Sa POV ko naman, hinihintay ko sya mag level up, parang ayaw na nya umalis sa comfort zone nya. He rarely discussed getting married e to think, mag iisang dekada na kami. Parang napagod din ako sa kanya ng slight. Tapos madami din ako nameet na bagong tao, new world ba. Somehow, feeling ko ako si Jinny tapos sya si Sir Marco sa Starting Over Again (one of my fave local films, sayang talaga si Toni huhu) haha. Never kami nagkita since nagbreak kami.
Fast forward 2024, kinasal common friend namin - invited kami parehas. Syempre pinaghandaan ko haha di pwedeng sabihen nya na tamang desisyon na iniwan nya ko. Haha
Di kami nag usap sa simbahan pero sobrang kinakabahan ako nung makita ko sya (shet, pogi pa din). Di ako makatingen, ramdam ko namumula ko. Naiinis ako sa sarile ko kasi gaga ka bat ka kinakabahan e tagal ka na moved on. Sya naman, di din makatingen yiieee
Bukas na ulit ung sa reception kapagod mag type.
PART 2
Kita ko sya sa peripheral ko pero ang naiisip ko nun sana nasa left side sya kasi un ang better angle ko hahaha. Nung sabay na kami nagkatinginan, nag smile naman sya. Ako, ewan ko ba naman, nag smile back naman ako pero alam nyo ung "flirty" smile ni bae suzy? Ganun. Kung di nakapako si Jesus baka nag face palm sya sa secondhand embarrassment. Hahaha
Sa reception, meron sila pica pica including mobile cocktail para sa waiting time ng guests. May napili akong drinks nun sa mga ready made na. Itong si ex biglang nagsalita sabi nya "wag yan, may rum". Mga te may allergy ako sa rum (act fool act fool act fool) huhu. Di ko naman inexpect na maaalala nya un kasi one time lang un nangyare. Nadiscover ko sa company event na may allergy ako (mojito ung nainom ko nun) tas na mention ko lang sa kanya nung kami pa. "ito ung mga wala" ako: (meltsss). Ung muka ng mga friends namin, nagtitinginan sila. Parang mga shunga. Hahaha
Sa CR, kinakausap ko sarili ko sa salamin "umayos ka, di ka pinanganak na mahina 🤣 hirap ng pinagdaanan mo to move on tas isang araw lang papadala, no wayyy, hindi pwede! keep your cool" abangan kung alin ang una natin kakainin - handa o salita. 😂
Same table din kami, buti nalang meron akong isang sane girl friend na sa pagitan namin umupo para less awkward. After dinner (yes naman sa handa tayu una nabusog), nag cr si friend in between. Tapos si koya mo, he leaned closer. Sya una nangumusta. Tas chika chika ng basic lang. Ako: (company) ka pa din? Kahit alam ko naman ang sagot. Haha kinumusta nya nanay ko (ayun okay naman, galit sayo) Hahaha buti bumalik din si friend kasi kung nagtagal pa, baka ako ung nag come back. Hahaha (landerss!)
Nung part ng program na "kiss, kiss". Itong mga ulupong, pinapatunog pa ung mga baso na malapit samin. Parang mga shunga (louder! Char) Pero tamang kulit lang sila, wala naman nagcross ng line sa kakulitan. Haha
No one dared to ask kung single ba both. Ako, never ako nagkajowa after nya. May mga nanligaw naman (naks "mga") pero wala ako na-betan. Plus that time, gusto ko pag nakamove on ako, dahil lang sa sariling emotional strength. Ayoko mag depend sa iba o idivert attention sa ibang tao para lang masabi na moved on na. That would be unfair sa akin at dun sa tao. So long story short, nakaya naman ng ate nyo on her own. Sa table nasulyapan ko ung wallpaper nya, babae. Hehe
After program, nagstay pa syempre ang friends for after party. Kung nsfw story ang hanap nyo, walang ganun, pwede na kayo tumigil magbasa. Haha may inom na ung ibang guys, kaya limited nalang ang pwede mag drive. (Di pwedeng from I do to I DUI) haha kaya nagsset kami ng sino ang sasabay kanino.
Earlier sabi nya sabay na daw kami ni friend1 and 2 sa kanya kasi same direction, ang plot twist jusko ako ang nag drive ng sasakyan at naghated. Di lang naman sa kanya pati dun sa ibang friends na same way uuwe. Ung ibang friends namin nakaconvoy para pag nahated namin sya, iwan car, tas lipat sa kabilang car. Gets?
poot poot labas si nanay nya (bali nanay ko din, charingg). Kung makikita nyo ung reaction nya sobrang surprised and happy nya. Sumunod tatay nya, same reaction. E sino ba naman ang hindi - ako na to e - maganda (ang kalooban), maayos ang trabaho, tas may sense of humor pa. So ako ata ang favorite ex. (feeling mo naman). Di rin kami nagtagal, naghated lang talaga at pagoda na tayu.
Pag uwe ko, kinamusta ko si self. "okay ka lang ba? Anong gusto mo, beer? Haha" On a serious note, habang nakatitig ako sa kisame, naalala ko nangyare that day. Aaminin ko may konting kilig (weh, konti?) Pero under the same ceiling, naalala ko dun din ako umiyak, 5 years ago. Dun ako nakatitig while praying hard na sana mawala na ung pain. Lalu pa ambilis nya nag move on sa 9 years. Never sya nag reach out which is nakatulong din naman sa pag mmove on ko. Under the same ceiling, i questioned my worth insert "panget ba ko? Kapalit palit ba ko?" haha. Sabi ko kay lord nun, tanggalin nya lang ung pain, i promise to all things holy, hindi hindi na nya ko masasaktan ulit (punas luha, kain tissue). So sabi ko sa that night, no, hindi pwede. Okay ka na plus meron din naman ako nakakausap ngaun for more than a month na (saglit palang naman kaya "ghost-able" pa) char di tayu ganun.
So ano nga ba gusto kong i-unload, bakit ka nasa off my chest? Haha
Nag message kasi sya after 3 weeks (o diba natiis nya ko ng ganun katagal hahahah). Nangungutang. Jk eto seryoso na, I finally get to know his POV all these years.
Gcash for part 3. JK.
Sabi nya lang. Hello. It was nice to see you doing well. (Yoko ng verbatim kasi parang too personal parang ang drama. Haha pero sige ung iba verbatim) di nya daw alam why he's reaching out pero part of him wanted to explain ung mga di nya nasabi before - well, too late. (sya ata dapat talaga ung nag off my chest lol).
His main reason was feeling nya sobrang layu ko na, na that time, I deserve better eme (linyahan sus). "parang nanliit ako, di ako makakeep-up sayo pero believe me when I say, im proud of you". Di daw sya nag cheat, in fact, nag reach out sya after breakup, di nga lang sakin pero sa common friends. Vinerify to ni bride and other friends (yes, nag survey ako haha and survey says that's true kinumusta ako ni koya from time to time) pero di nila sinabi sakin kasi di daw makakatulong (ahhh i love my friendsss). "There were several times na Im one click away sa pag reach out pero never ko tinuloy haha" everytime daw na magttempt sya, titignan nya socmed ko and how happy I am na. "that would be unfair if I bother your peace just because i couldnt find mine" (iyakk si gaga ng slight).
Sabi ko sa kanya huy okay na un, what we wont do is to dwell on what went wrong.
"Goods?" "Goods."
Decided na din ako na parang ayoko ng comeback so chill chill lang ako (chill nga ba?). Di na rin naman sya ulit nagparamdam after. Haha
Kung nakarateng ka dito, congrats, i guess? Haha
PS. Ung babae sa wallpaper, vector art - lola nya na nag alaga sa kanya kaso wala na sa earth (sumalangit nawa).
EDIT: Thank you everyone 🥺 I didn't expect that many would read my post from start to finish; so di na ko nag proofread, I could've used punctuation marks better. Lol im so sorry i couldn't reply to everyone - sending virtual hugs 🫂🫂🫂
To my girlies and gents going through the same, you'll be fine. Prioritize yourselves wholeheartedly, because if you don't, who will?
Sa mga nanghihinge ng come back, ang gagawin lang nating come back ay "come back to the young and beautiful you" 😂 walang comeback dahil mauuna pa atang gumalaw ang baso sa ouija board kesa sa manok n'yo. 😅
Yun lang. May the universe reward you all with the same kind of love and beauty you hold in your hearts. ♥️