#Sakal
I just wanna get this off my chest. Yung mom ko is a govt employee and my dad was an OFW. I recently got my first job as a fresh grad. My parents never gave me any money after grad or anything. Maski nung nakapasa na ako ng boards wala ako nareceive talaga. I know naman na we’re having some financial constraints kasi yung lolo and lola ko nasa bahay din namin and inaalagaan. Last time, naoperahan lolo ko so my mom is paying the loan for it. Kahit noon pa, napapansin ko na super controlling ng mom ko sa dad ko lalo na financially. Tapos ngayon na nagwowork na ako, di ko dineclare magkano sahod ko. So nasasakal ako na feeling ko tinatry nilang alamin. Mind you, 2nd month ko palang sa work pero nageexpect na agad nanay ko na ilibre ko sila ng travel. Eh wala talaga ako, balak ko na muna sanang magipon kaso sinusumbatan ako na pansarili ko lang daw ba yung sahod ko. FYI, nagbibigay ako pero paunti unti sa mga kapatid ko at sa bahay na pag tinotal mo malaking pera. Tapos this april mag 25th wedding anniv sila tas ineexpect nila na pondohan ko yung renewal of vows nila. Tapos yung dad ko mag bday tas gusto rin nya tsaka ng kapatid nya (tita ko) na pondohan ko pagtravel nila. Tapos pag may binili ako sa sarili ko, inaalam niya talaga magkano palagi kasi tinatry nyang alamin sahod ko. Di ko na alam gagawin ko kasi wala pa nga ako isang taon nagttrabaho ganyan na. Parang di ako pede mag enjoy kasi kelangan ko sila unahin. Nasasakal ako sobrang toxic. Kahit emergency funds wala pa ako. Sobrang di ko na alam ano mangyayari sa buhay ko anong edad ko na huhu