Friend
Hello! Magra-rant lang ako dito. Ang hirap pala ng feeling mo wala kang friends no? F30 na ako, may partner naman, pero iba pa din yung friends na makaka chikahan mo.
Dati hindi naman big deal sa akin kung wala akong friend/s, kasi may partner naman ako. Until pina realize sa akin ng partner ko na kailangan ko makipag kita sa mga old friends ko. Kasi sya, nakikipag kita sya sa mga old friends nya at ang happy happy nila sa pictures. Samantala ako, trabaho, uwi, tulog (paulit ulit) nakaka ubos na until na realize ko na I need a friend pala talaga na makaka-chikahan at pwede ako mag rant :(
Sabi nga ng boss ko, hindi mo kaibigan ang mga katrabaho mo, which is true naman.
Now na narealize ko na i'm in dire need of a friend pala, yung mga nag iinvite sa akin na old friends ko noon, ininvite ko, kaso wala nang time, at may mga family na din. Huhu ang sad lang na walang gusto makipag mingle sa akin na friends. Di ko tuloy maiwasan na mainggit na sa partner ko. Alam ko masama mainggit, pero nasasad lang kasi talaga ako ngayon.