Finally, makaka bukod na si ate.
I (27F) will be finally free sa aking narcissistic parents. It took me a long time to do this. Sobra rin yung pagtitiis ko because they are emotionally abusive. I stayed kasi I was made to believe na utang na loob ko lahat. Gabi gabi ako umiiyak sa mga kaibigan ko pero nagagalit sila kasi kahit anong gawin ng parents ko, I still provide everything.
Not until last week, my mom was so mad sa kapatid kong lalaki na may pamilya na pero samin pa rin nakatira, pero nadamay ako. Ang sabi nya sa akin “Ikaw, umalis ka na dito sa bahay kasi parang hindi ako nakatira sa bahay na ‘to. Sa umaga bawal mag ingay, sa gabi bawal mag ingay. Kung ganyan lang din, umalis ka na lang”.
For context, I work as an online english teacher mula 4pm hanggang 3am. Tapos tulog ako ng umaga hanggang hapon. Ang mama ko nagdadabog sa umaga kaya hirap ako makatulog, aantayin ko muna sya matapos para makatulog.
I told my friends about this, and they were so supportive. They looked for an apartment immediately and lent me money for payment. I was not planning to tell my parents pero they saw me packing and they were so mad about it. Hindi ba raw ako mapagsabihan? Hindi ba raw ako marunong tumanggap ng sermon?
Pero hindi, wala nang makakapigil sa akin. This feels liberating and I am so anxious pero I am very happy that I was able to get out of the place that is making me suffer.