Sad reality of broken dreams
Ganon pala yun, mas masakit pa sa breakup kapag yung dream mo yung di matutupad. I talked to my mom about going to med school, and yun nga ang sabi niya wala kami pera. Middle child ako and she expects me and my sister na magpapaaral sa youngest sibling namin. I get naman the point na di naman kami from rich family, pero i’m just super sad na i won’t be able to go to med school. 2 days na ako iyak ng iyak and di ako makafocus sa work. Ang bigat bigat sa pakiramdam, yung may gustong gusto ka pero di mo makuha. Nakapagpost na ako before regarding this pero iba pala kapag galing mismo sa parents mo, nakakalungkot. I just wanna let this off my chest kasi kung hindi feeling ko sasabog ako. Ayoko give up dream ko na to pero ang hirap kapag walang support system. ☹️