Ayoko na magbukas ng messenger

I'm a former OFW. naniniwala ako na if you are blessed, you have to pay it forward. Ako yung tipong hindi makahindi lalo na pag may nanghihiram na walang wala. Pero naging single mom ko, umuwi ng pinas. I can say na nakaka survive naman kami ng anak ko. Pero recently andami pa din talagang nangungutang saken kahet di ko masyadong ka close. Naiintindihan ko na mahirap ang buhay pero pramis, nakakastress! may super close friend pa ako na everytime petsa de peligro magmemessge sya ng paulit ulit. Nakikiusap pa na ihiram ko siya using my gloan, sloan at kung ano ano pa. Ayoko na lang magbukas ng messenger at kinakabahan ako. Ako pa ung nahihiya mag decline. Bat ganon? Iniisip ko sila pa ung may mga asawa at katuwang sa buhay pero pag di napagbigyan, sila pa ung galet.

Ang saket lang mag cut off ng friends dahil sa pera.