Im so sad
I can't explain kung ano nafefeel ko ngayon. Basta malungkot ako. Kanina masaya pero ewan di ko maintindihan pakiramdam ko mag isa lang ako. Wala ako mapagkwentuhan ng masasayang araw ko or walang excited makinig like tatanungin ako talaga ano ba nangyari sa araw ko.
Nakakalungkot pala yung ganito. Alam ko mababaw pero alam mo yung may mga tao nasa paligid mo pero ramdam mo na hindi naman sila ganon nagcacare sayo. Pag convenient lang sila.
Ikaw excited ka sila makausap pero di nila ramdam. Kaya hindi ko alam parang gusto ko na lang umiwas sa lahat or wala na lang ientertain na kahit sino muna kasi ako lang etong naaapektuhan ng actions nila.
Siguro nga kailangan ko na mag detach sa mga taong pinaparamdam sa akin yung ganito na confusion lang binibigay at hindi malinaw intention saken. Hindi na ako mag aaksaya ng oras or mag eexpect sa tao. Kung ano unang pinaramdam or trato sakin ganon ko na sya titingnan as pagkatao nya.
Mahirap sa may mental illness na walang nandyan para sa atin. Like isip natin kalaban.
Ano mga ginagawa niyo pag pakiramdam niyo na mag isa ka lang? like hindi malungkot?