MTLE AUG TAKERS 2024

Hello po sa mga august takers I just want to share some encouragement and tips ng review ko. These are the things kasi na I deeply regret na hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin kaya nag cram ako 2 weeks before the exam:

  1. Answer review questions book: super nakaka depress kapag hindi ako nakakapasa sa mga pa quizzes after lectures, parang bilang lang ng daliri yung mga naipapasa kong practice exams. Even yung pre-boards exam ko hindi ko sya naipasa. Kaya please, hangga't maaga pa at least answer 200 questions per day or more if kaya mo pa. Books like harr, elsevier, stras, turgeon, rodaks, ciulla, etc. they're really helpful, ngayon palang sagutan nyo na and basahin yung ratio para weeks before ng boards sagot-sagot na lang kayo.

  2. Active recall: i find this very helpful sa micropara, madalas gumagawa ako ng flowchart dito.

  3. Flashcards: anki and quizlet were my bestfriend! kapag tinatamad ako or kahit nakahiga, mag a-answer lang ako ng questions lalo na before going to sleep.

  4. MOTHER NOTES: isang beses ko lang binasa yung mother notes and super super pinagsisihan ko talaga, itong march kasi wala masyadong recalls and questions from rev books so mother notes and fc notes ang sasalba talaga sayo. (And practice practice your test taking skills!)

  5. DISCIPLINE: ETO ANG KALABAN KO TALAGA HAHAHA. ewan ko ba, sakit ko na ata 'to even nung college days, sa tuwing malapit na ang exam marami akong gustong gawin (anime, kdrama, manhwa, etc.) kaya sooobrang daming backlogs, especially noong nag christmas and new year break naging stagnant ako kasi ang haba ng break. So ayun, ang ending nawala ako sa momentum = super daming backlogs! Please, iwasan. It's okay to take a break pero wag sobrang tagal kasi nakakawala ng momentum talaga sa pag-aaral, ang hirap bawiin.

  6. PRAY. I study hard and I also prayed harder. Dumating ako sa point na gusto ko umabsent na lang kasi hindi pa talaga ako ready (sino ba kasi yung ready talaga, I think wala masyado) pero iba talaga ang power if you place everything to God. I take it as a miracle na nakapasa ako and nasa line of 8 ang gwa ko when in fact nasa 55± lang confident answers ko every subj (especially sa htmle huhu wala na talaga ako time para sa kanya). Always remember guys, GOD WILL PUT YOU ON YOUR MOST IMPOSIBBLE SITUATION FOR YOU TO DEPEND ON HIM 🙏🏻

That's all for now, actually marami pa ko gustong sabihin pero mahaba na ata yung post ko haha. Goodluck future RMT's!!! Wag mawawalan ng pag-asa ilang months na lang makikita nyo na yung names nyo sa list of passers. God bless you all🍀