Introvert ba or masyado lang nag focus sa ex?

Hello just want to share my experience, galing akong long term and sa sobrang tagal namin ng ex ko masyado ko syang ginawang mundo to the point na wala na akong naging kaibigan, dati kasi nung nag aaral pa kami shes always my priority, wala akong ginagawa sa school kundi mag aral lang, im a consistent student assistant scholar sa school and after ng class ko wala akong vacant kasi need ko mag duty sa office which is in return free tuition fees and bukod dun need ko maintain grade ko ng 1.75 above gwa.

anwy, diko alam if masyado ba akong introvert, kasi during class lang kami mga nag uusap mga classmate ko pero outside wala akong paki sakanila haha, inaaya naman nila ako during college days, ako lang talaga yung tumatanggi kasi mas gusto ko kasama yung (EX-GF) ko nun.

So every time na may free time ako mas pinipili ko syang makasama kesa sa kahit na sino. and now that shes gone feeling ko ako nalang mag isa HAHAHA dont have friends during colleges kasi ang mga group of friends ko nun mga kaibigan nya din at ngayon ito ako, walang gala mas madalas nasa bahay lang kasi wala naman akong close friends during colleges days, wala din akong "bestfriend". ganito pala feeling na ginawa mong mundo yung dapat tao lang.