MCA. Nakap*tay ako. Iba pinagbintangan nila.
Kinun ko advice the isang redditor, post ko din to.
Naalala ko nung bata ako, yung tito ko sa province nagaalaga ng mga bibe saka manok. Free roam yung mga bibe tas hindi ko alam kung bakit pero yung mga bibe nakikipag habulan sa akin. Tas sa sobrang tuwa ko, yung isa accidentally naapakan ko. ☹️ Tas namatay. Kita ko talaga sya kung paano nangisay. 😭 Tas sobrang lungkot ko pero sa takot ko sa tito ko, binaon ko sa lupa yung bibe. Nung gabi na, nagagalit tito ko kasi daw kulang yung bibe. Tas sabi ng tita ko: "nako baka pinatay na naman ni buknoy (aso nila)". Ayun pinalo ng tito ko si buknoy sa pwet. Napa iyak sya tas hindi ko makalimutan yung itsura ni buknoy na para "bakit ako?"
Sorry bibe. Sorry buknoy. 🥲
Wag nyo to iscreenshot or ipost sa ibang social media platform. Pang reddit lang to.