MCA

Kakagraduate ko lang, kakatapos lang din magtake ng board pero sa kasamaang palad, hindi pinalad. Ngayon, need ko na harapin ang real world na sinasabi nila. Wala akong pangarap. Noong bata ako, ala akong gusto maging pagkalaki. Gusto ko lang magkapera. Hindi ko gusto kinuha kong course netong college tho. I mean I guess noong una siguro pero nawalan lang din ng passion sa course. Ilang weeks na ako tambay sa bahay. Inaayos ko today yung CV ko and profile sa linkedin at jobstreet pero grabe, ala naman akong skills na pwede ilagay??? Iniisip ko kung iinvest ako sa skills kaso pano eh wala akong pera. Iniisip ko na what if magpart time muna ako, smth na unrelated sa course ko para makapag ipon. Inopen up ko to sa bf ko pero sabi niya sayang naman daw uung course ko. Kung hahanap ako ng work, sana yung related na lang din sa tinapos ko. Kaso ayun nga, pano ko nag aapply kung wala naman akong maicocontribute sa company.