Should I resign or not?
I recently got hired as an assoshiz in a small firm. Work is M-F, 9-6. Salary is below the average salary of a lawyer, parang mas mataas pa sa legal assistant position sa government.
Hindi ko alam kung valid ba yung nararamdaman ko dahil naiinip ako sa work dahil konti lang binibigay na work sakin huhu yung task kasi na binibigay ni managing partner (MP), due in two weeks pero kaya syang gawin ng isang araw. Hindi rin sya heavy work, like may hahanapin lang akong documents sa case folder and that’s it. Hindi ko alam kung papano ko uubusin oras ko sa office. Naisip ko lang na good for limited practice itong work ko, kaso lang ito ang main job ko lelz. Actually tinapat ako ng secretary ni MP, na kinuha lang ako as collaborating counsel para may taga attend ng initial hearings.
Nanghihinayang lang ako sa time dahil pwede sanang marami akong natututunan, pero tunganga talaga ko sa opisina most of the time. Idinadaan ko na lang talaga sa joke na masarap sumweldo ng walang ginagawa, pero a part of me nahihiya dahil tunganga nga lang ako. Naisip ko kaya siguro ang baba rin ng salary ko dahil wala halos ginagawa. Grateful ako dahil may source of income pero sa career and experience aspect, nakukulangan ako. Parang nakatali ako kay MP dahil nga sa kanya yung 8 hrs ko kahit walang ginagawa.
Should I resign?