applied for an office staff position at this company
PLEASE DO NOT POST THIS ANYWHERE ELSE.
So ayun, nag-apply ako sa headquarters ng isang kilalang mall. Di ko ata puwedeng i-disclose kung saan exactly kasi may pinirmahan ako.
Sa posting nila sa Indeed, ang nakalagay "Office Staff (Latin Honors are preferred)" tapos 17-18k ang salary. I applied and got an interview invitation. Malayo siya sa amin, pero I’m desperate for work lalo na career shifter ako, so go na diba.
All was well naman at first. They texted me asking if okay daw ba ako for a phone interview. I said yes. Pero bigla nilang chinat sa Indeed na hindi na pala — punta na lang daw ako sa headquarters nila sa Pasay at 8am. And so I did. Pero that day, I was really nervous.
Got there around 7:30am, waited sa lobby with other applicants until 8:00am. Then we went up the stairs, and waited some more hanggang mag 9:00am.
After that, dinala kami sa ibang lugar to wait again, hanggang may pina-fill up-an na sa amin. By then, it was already 11:00am pero hindi pa rin nagsisimula ang interview.
Nung finally na-interview na ako, it was like a normal interview naman — until biglang sinabi sa akin na mag-ca-cashier daw muna ako sa supermarket ng mall nila for 3 months with less pay (₱690/day) bago daw nila ako ipasok as office staff. Tapos hindi pa raw sure yun, kasi possible daw na di makapasa pag regularization assessment — or if mas magustuhan ko daw mag-cashier, tumatawa pa yung recruiter habang sinasabi yun.
The recruiter kept asking me if okay lang ba daw, as if gusto niya marinig na ina-affirm ko lahat ng sinasabi niya.
I just said it was okay, pero sa loob-loob ko, tinatanong ko sarili ko bakit di nila 'to dini-disclose beforehand? Diba sana nilagay nila sa Indeed description na ganun yung "training" bago maging office staff? Kasi pakiramdam ko parang na-scam ako or na-gulang. nagapply ako as an office staff tapos ending cashier pala ang gusto nila, iniisip ko tuloy baka front lang nila yun, kasi in need sila ng mga college graduate with latin honors na office staff (cashiers pala talaga) sa supermarket nila (as per their indeed description)
There’s nothing wrong with being a cashier sa hypermarket — pero ang deceiving ng job post nila.
Tapos yung recruiter, while checking my details, nakita niya na may TIN ID ako. Tinanong niya ako kung yung former employer ko ba nagasikaso or ako. eh yung previous work ko hindi man lang inasikaso, so ako na kumuha, pwede naman e kahit nga online tapos kukunin mo na lang sa mismong bir branch. ayun na nga, bigla ba naman ako tinanong kung nagpabacker daw ba ako para makakuha ng ganun 😭 hindi ko alam kung mao-offend ako kasi yung pagkakatanong pa niya was like, "Paano ka nakakuha ng TIN, nag-backer ka? 🤨"
I answered, "hindi po." Grabe si ate, pinaghirapan ko pumila para makuha yun tapos sasabihan ako ng ganun.
Ayun, after nun, nag-exam pa kami — sobrang OA sa dami ng exam it was like more than 68 numbers each page. Sabi pa sa amin, "Pwede daw burahin once macheck na."
Hanggang umabot na kami ng 2PM kakahintay — wala pa ring dumadating na HR. hindi naman chineck mga sinagutan namin.
Worst job interview I’ve ever been through.
Eventually, dumating din yung recruiter, kinuha yung mga papel namin, tapos sabi niya, "Sendan ko na lang kayo email ng next steps, tapos okay na."
buong hiring process, hindi nila ako kinocontact through email, buing time through indeed lang. kaya inunahan ko na mag withdraw ng application.
We were literally on our way out after that. Got home around 5PM 😭
edit: posted this to rant, and at the same time to spread awareness din para maiwasan niyo.