Participation fee clarification
Need help ng clarification sa nga nakakaalam, I just had my claim approved, yung bumangga sakin ang at-fault, typical na advise ng mga kakilala ko or natin na pag insurance ang gagamitin ay ipa-sagot nalang dun sa bumangga ang participation fee.
Nung na share ko ito dito sa reddit, ang daming nagsasabi na wala daw dapat akong siningil, wala daw dapat akong tinanggap at kung anu ano pa in relation sa possibleng pagdeny ng insurance dahil nga nagkabigayan ng PF.
Nung mismong si insurance na yung kausap ko after my approved claim, siya pa nag suggest na ipasagot ko na lang yung deductible sa bumangga at paulit ulit kong tinanong kung pwede, pwede daw. Kasi kung sobra naman daw ang naibigay, ibabalik ko din naman daw yun.
Ano ba talaga? Naka depende ba ito sa insurance? Pwede ba talaga ipasagot ang PF o Hindi? Si insurance na kasi mismo nagsabing pwede.
I’m after “binangga na nga ako, bakit ako pa mag lalabas ng pera”
My claim was outright approved kahit indicated dun sa police report na nagkaron ng amicable settlement which states the following: - they still need to coordinated - ano man ang hingin ni insurance ay dapat niya itong ibigay.