Nadale ng mga traffic enforcers

It was around 0145H kanina along buendia ave. pinara yung sinasakyan naming van kasi nagillegal backing siya. Ang rason ni kuya driver is dahil sa maps kaya namali siya ng liko kaya ngattempt ng atras. Pero yun na nga may violation na, instead na ticketan kung ano ano pang sinabi ng traffic enforcer na nakapink (bale 3 sila na kumausap sa driver kasi bumaba sya sa kotse) triny pa ng mga traffic enforcer na papuntahin kmi sa bridge para daw areglohin. Hinanap nila ORCR and all, imbis na ticketan ay kinausap nila yung may ari ng van tapos bigla nalang namin nalaman na yung owner ay nagsend sa gcash agad ng 37k dun sa traffic enforcer, gulat na gulat lahat ng pasahero ksi di dapat ganon at sobrang laki nun, yung driver po kasi not familiar sa manila kaya nasindak sya. May vid and face kami ng mga nangotong, san po pwede yun isend or ireklamo?