Gaano kalaki ang pagkakaiba ng mga kaugalian sa kalsada ng mga driver sa Luzon, Visayas at Mindanao?
Minsan madaling ikumpol ang lajat ng driver na Pilipino ano? Pero panigurado may kanya-kanyang mga kaugalian yan.
Like, sa Visayas halimbawa, wala namang mga expressway don na katulad ng sa Luzon kaya iba asta don.
O kaya sa Mindanao, anu naman kaya ang average speed ng mga mototista doon? mas mataas ba ang average driving speed ng mga motorista doon kaysa sa Visayas?
Medyo may pagka-sweeping generalization siguro ang hahantungan ng post na to sa mata ng iba pero ito siguro ang pinaka-epektib na paraan para kilatisin natin ang kaugalian ng bawat motoristang Pilipino sa bawat isla.