Totally nalubog ang kotse sa baha.
Mga bossing, nalubog po sa baha ang kotse namin. As in muntik nang abutin ang bubong. Natanggal naman po 'yong sa battery pero other than that, iyon lang po ang nagawa namin ng kuya ko. Nagkabiglaan po kasi sa pagtaas ng tubig.
Until now, nakalubog pa rin po sa baha. :( Ano po need naming gawin once magsubside na ang baha? Maraming salamat po and ingat po!
P.S. insured naman po ang car.