Ang hirap pala mag dating app no? HAHA

So eto na nga. 1 year na akong single from an 8-year relationship, kaya idecided to try dating again. Since WFH ako, yung best option ko is to download a dating app. First time ko gumamit neto kaya wala talaga akong idea sa mga dating apps na yan.

I downloaded bumble, created a profile, uploaded my best photos. Yun, ready na mag swipe.

Oy, may mga nag like sakin. Kaso di ko makita, need ko premium kaya bumili ako, yung 1-week premium option. Sinwipe right ko yung mga type ko tapos nag match kami.

Yun pala, sa Bumble, si girl yung unang mag me-message. Pero bat di sila nag me-message sakin? Eh sila naman yung unang nag-like? HAHAHAH ewan ko ba. May option na i-extend 24 hours para may time sila mag chat pero wala parin HAHAHAH

Yung iba nag me-message pero "👋" or "hi" lang HAHA ni rereplyan ko naman pero di sila nag rereply sakin. Yung iba ang 1-word replies lang or di marunong sumabay sa convo kaya auto un-match.

Finally, meron isa na nag message first tapos nag re-reply agad. Maganda flow nang convo namin. Whole day nag-cha-chat tapos biglang mawawala HAHAH di naman sya nag unmatch sakin. Talagang biglang nawala. Okay naman previous convo namin. ewan ko.

Eto yung latest na malala. May naka match ako, maayos usapan namin. Vibes talaga kami. 3 days na kaming nag-uusap. Plano ko na sana makig meetup sa kanya. Kaso biglang nag sabi na di raw sya yung nasa photo nya sa Bumble. I checked, ni reverse image search ko sa Google. Totoo nga. Yung photo nya kinuha nya lang sa insta nang random na babae. I was like ?????????????????????? WHYYY HAHAHAHAHAHA Syempre unmatch at report kasi bawal yun. Poser yun eh. Ano ba. HAHAH

Hays. ewan ko ba. Parang mas peaceful ata pag single nlng HAHAHAHAHA