Local account?

Hi guys, gusto ko lang sana manghingi ng advice from people na may experience na both sa local and international account. Bale may 10 months experience na ako sa internacional account as voice agent and sa multiple companies siya. Ang main reason ng pag alis ko is di ako nakakatagal sa stress. Yun tipong ayoko pumasok the next day dahil alam kong ilan stressful calls nanaman makukuha ko. Pinagiisipan ko maglocal account, baka mas madali para sa akin. Pero since wala pa akong exp sa local. Gusto ko sana malaman kung anong mas mahirap at stressful sa dalawa based on your experience. Thank you po very much and Godbless.