ABYG na pinagsabihan ko yung kapatid ko na ayusin padala niya sa anak niya?

ABYG kasi pinagsabihan ko yung kapatid ko na ayusin padala sa anak niya dahil ang padala lang niya is 2500 worth of groceries. Then magbabayad ng school + service. Then pinapaalaga niya sa tita ko yung anak niya para magbuhat dalaga.

Kanina nagmessage ako sakanya (matagal na kami hindi nag uusap dahil ayoko na makialam sakanila ng nanay ko). Ako palaging nagpapadala sa pamangking 10-15k monthly para macover yung allowance nung bata at mga ibang necessities. Sinesave ng tita ko yung iba, incase magkasakit yung bata may pera silang hawak. Sa sobrang inis ko di ko na napigilan na pagsabihan. Sabi niya wala daw akong alam sa ginagawa niya sa anak niya. Hindi nila alam nagpapadala ko sa bata kasi ayoko iasa sakin lahat. At pag nalaman nilang nagpapadala ko, kukunin nila yung bata sa tita ko para sila makinabang sa pera.

Ngayon nagsabi siya na wait ko lang daw na mamaya trending na ko sa facebook. Dahil sa mga pinagsasabi ko. Nagulat nalang ako may dummy account na under my name. Sana pala di ko nalang minessage yung kapatid ko kaso napikon na talaga ko sa mga pinag gagawa niya sa anak niya. May pang inom at gala, walang pang sustento sa anak.