ABYG kung sarili ko naman pipiliin ko over my Family?
I've been a breadwinner for 10yrs now. Sobrang burn out ko na sa trabaho for the past few years. I gave up my career and nagcorpo to sustain my family's needs.
Nawala ako sa path ko, nawala yung passion ko at wala ng ibang inisip kundi pera at pamilya. Now I found something that I want to do, nagloan ako. I want to start a business na gusto ko yung gagawin at for sure na eenjoyin ko.
Right on time na I got my loan money released, saka naman nagkaroon ng financial crisis sa bahay. This is not the first time that this has happened. May time dati na nakakakuha ako ng malaking incentives from my prev jobs, natatayming na walang pera sa bahay. So ending, nagagamit pera ko at nauubos na wala akong nakikitang napupundar or nararating.
I know para naman sa pamilya ko yung napaghihirapan ko. Kaso tumatanda na ko, wala paring natutupad sa mga plano ko. I feel stuck. Gusto kong magenjoy habang kumikita ng pera.
So tinitiis ko sila ngayon, hindi ako naglalabas ng pera. Di din ako bumibili ng kahit ano para makita nilang wala talaga kong pera. Ngayon di ko tuloy masimulan negosyo ko kasi nga di nila pwedeng malaman na may pera ako.
Abyg kung tinitiis ko sila? Gago ba ko kung hinahayaan ko silang mamroblema sa pera kasi iniisip ko na baka pagsisihan ko ulit pag naglabas ako ng pera at di na naman matuloy tong plano ko?